^

Punto Mo

Ang Presidenteng ininterbyu nang hubo’t hubad

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG tinutukoy ditong Presidente ay si John Quincy Adams II. Siya ang 6th US President, at anak ni John Adams, na 2nd US President.

Tuwing 5:00 a.m. ay ugali na niyang maligo nang hubo’t hubad sa Potomac River, katabi lang ng White House. Hindi pa noon mahigpit ang pagbabantay sa Presidente, lalo na at ang mismong Presidente ang nagsasabing gusto niyang mapag-isa. Tiwala ang Presidente na walang katao-tao sa paligid kaya’t tiwala siyang “safe” na maligo nang walang saplot.

Noong panahong iyon ay may isang makulit na lady journalist na gusto siyang ma-interview. Ito ay si Anne Royall, ang pinakaunang babaeng professional journalist sa US. Marahil ay hindi sanay humarap sa babaeng journalist, ayaw ni John Q. Adams na magpa-interview. Ito namang si Anne, ayaw sumuko at habol nang habol sa Presidente.

Isang umaga, natiyempuhan niya ang presidente sa oras ng paliligo sa ilog. Hindi na ibinigay ang detalye kung paano nakalapit si Anne Royall sa pinagpapatungan ng hinubad na damit ng presidente. Kinuha iyon ng journalist at saka nilapitan ang presidente na nag­lalangoy sa ilog.

“Good morning! Sa wakas Mr. President, maiinterbyu na rin kita.”

“Opps, Baka nakakalimutan mo na hindi pa ako pumapayag.”

“Pero Mr. President, 100 percent sure ako na papayag ka, whether you like it or not.”

“Paano ka nakasiguro?”

Iniladlad ni Anne ang pantalon at polo ng Presidente. “Hawak ko ang damit mo, Sir. Ibibigay ko lang ito sa iyo kung magpapainterbyu ka habang nakalublob ka diyan sa tubig”

Napangiti ang Presidente. Humanga siya sa tiyaga at pagiging wise ng babaing ito. “Okey, okey, start the interview.”

Naging tampok sa kasaysayan ng Amerika ang pangyayaring iyon at tinaguriang “first presidential interview ever granted to a woman.”

JOHN QUINCY ADAMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with