RUMATSADA na naman ang PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ni Brig. Gen. Ronald Lee at dalawang drug pushers ang natumba, isa ang naaresto at aabot sa P25 milyong halaga ng droga ang nakumpiska. Mukhang dumarami na ang mga Pinoy na nagtitiwala sa PDEG at nag-cooperate na sila para mapuksa ang drug syndicates sa bansa, gaya ng ipinangako ni President Digong. Kaya sa mga sangkot sa droga d’yan, huminto na kayo dahil kapag hindi ang pagpilian n’yo ay ang mahabang parte ng buhay n’yo sa kulungan o ang sementeryo. Araguuyyyy! Hak hak hak!
Hindi panghabambuhay ang negosyo ng droga na pinasok n’yo dahil darating talaga ang araw na sisingilin kayo. Get’s n’yo mga kosa?
Kaya nananawagan si PNP chief Gen. Debold Sinas sa publiko na ‘wag kunsintihin ang sindikato ng droga at ireport kaagad ang mga lungga ng mga miyembro nito at kinalagyan ng epektos nila dahil seryoso silang puksain ang mga ito alinsunod sa kautusan ni President Digong. Ayon kay Sinas, malaking papel ang gagampanan ng kooperasyon ng publiko para masugpo ang ilegal na aktibidades ng mga sindikato sa droga na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan, na maaaring magiging lider ng bansa sa hinaharap.
Dahil sa tulong ng LalaMove driver, ni-raid ng mga bataan ni Lee ang lungga ni Jose Aguilar alyas Ish sa Unit C 9029 Kabisig St., Blk 1 Floodway, San Andres, Cainta at natuklasan ang isang kitchen-type shabu laboratory. Inaresto ang live-in partner ni Aguilar na si Khrstyn Pimentel, 30, isang Curriculum developer. Nakumpiska ang 2,000 tableta ng party drugs na Ecstasy, 10 pakete o 500 grams ng marijuana o Kush, at isang kilo ng shabu na may kabuuang halaga na P10 milyon. Araguuyyyy! Hak hak hak!
Maraming kabataan ang masisira ang utak kapag naikalat ang mga droga sa kalye, di ba mga kosa? Hehehe! Para-paraan lang ‘yan!
Tumakas si Aguilar, kasama ang pinsan na si Gian France Rey Hipolito, 34, subalit naengkuwentro ng tropa sa Lawton, Manila. Ayon kay Lee, nakipagbarilan si Hipolito sa tropa para malayang makatakas si Aguilar sakay sa isang SUV. Nasapol si Gian at nakumpiska sa katawan n’ya ang ginamit na kalibre .45.
Sinabi ni Lee na si Aguilar ay dating nakatira sa Estados Unidos subalit na-deport sa Pinas dahil sa isang drug case. Itinuloy niya ang negosyong droga at kinukuha niya ang supply sa mga kaibigang banyaga at Pinoy. Nakilala nito si Pimentel, na isang drug user, sa isang dating app Tinder, at nag-live in sila. Inutusan ni Sinas sina Lee at Manila Police District (MPD) director Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco na tugisin si Aguilar para mahinto na ang negosyo n’yang droga. Araguuyyyy! Hak hak hak! Bilang na ang araw ni Aguilar, di ba mga kosa?
Samantala, ang Nigerian national naman na si Emmanuel Christopher Chukwuma, na miyembro ng West African Drug Syndicate (WADS) ay nadale matapos manlaban sa PDEG sa isang motel sa Pasig City. Nakuha kay Chukwuma ang 2 kilos ng shabu worth P13.6 milyon, buy-bust money at ang cal. 9mm pistol na ginamit niya. Si Chukwuma ay taga-Angeles City, Pampanga at nagtago sa Pasig matapos madale sa buy-bust operation sa Tarlac ang kababayan niyang si Gabriel Onyechefula noong Dec. 31. May kasunod pa tiyak! Abangan!