Namataang ‘cheetah’ sa Oregon, stuffed toy lang pala!

AGAD na kumilos ang mga kinauukulan sa Oregon matapos mamataan daw diumano ang isang pagala-galang cheetah sa isang residential area roon.

Ayon sa Multnomah County Sheriff’s Office, may nag-report sa kanila na isang malaking pusa ang gumagala-gala sa Greenhills neighborhood sa Portland, Oregon.

Dagdag pa ng caller, isang cheetah raw ang nakita niyang gumagala ngunit hindi naman daw agresibo ito.

Nang magpunta ang deputy sheriff sa lugar ay agad niyang namataan ang sinasabing cheetah. Ginamitan niya raw ito ng kanyang “ninja skills” upang unti-unting malapitan ang dambuhalang pusa.

Kaya naman nang makalapit siya sa pusa, laking gulat niya nang malamang isa lang palang malaking stuffed toy ito.

Tama naman ang deskripsyon ng caller dahil mukha talagang totoong cheetah ang stuffed toy mula sa malayo.

Hindi naman sinisi ng deputy sheriff ang caller na nagbigay-alam sa kanila lalo na’t magdudulot ito ng takot sa lugar kung sakaling totoo ngang may cheetah na pagala-gala.

Show comments