^

Punto Mo

I-push mo ‘yan!

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

HINDI kagandahan ang toilet ng restaurant na ‘yun. Sa aking tantiya ay dalawang metro kuwadrado ang sukat ng toilet. Walang bintana o anumang space na puwedeng daanan ng hangin mula sa labas. Ini-lock ko ang pinto at saka ako umihi.

Binilisan ko ang aking kilos dahil nararamdaman ko na kinakapos ako ng paghinga dahil walang hangin sa loob ng toilet. Tumatagaktak na ang pawis sa aking noo sa sobrang init. Summer pa naman noon.

Pinihit ko ang door knob para buksan ang pinto pero nanatiling naka-lock ito. Inulit ko ang pagpihit, clockwise muna…nang hindi umubra, nag-counter clockwise ako… pero ganoon pa rin, ayaw bumukas ng pinto.

Umatake bigla ang aking claustrophobia. Nagpa-panic na ako. Ramdam na ramdam ko ang pagtibok ng aking puso. Ako lang ang pumasok sa restaurant para imihi. Ang mister ko ay nasa labas, hindi makababa sa kotse dahil walang bakante sa parking lot. Emergency lang ang paghinto niya sa gilid ng kalsada kaya hindi puwedeng iwan ang kotse.

Nakalimutan kong dalhin ang aking bag kung saan nakatago ang aking cell phone. Tissue lang ang nabitbit ko. Lalong akong nag-panic sa ideya na baka tumaas ang aking blood pressure at bigla na lang akong himatayin.

Pero saglit kong pinakalma ang aking sarili. Huminga ako nang malalim. Hindi ko mapapayagang mahimatay ako sa loob ng mapangheng toilet na ito! Kapag natumba ako, kadiring mapangudngod ako sa nanlilimahid na sahig. Hihimatayin na at lahat, namimintas pa ng sahig na babagsakan! Ha ha ha!

Napatingin ako sa door knob. Aba, may nakasulat palang instruction sa ibaba ng door knob. Napakaliit ng print kaya di ko agad nabasa: To open: Push, then, turn the knob clockwise. Sinunod ko ang instruction.

Himala ng mga himala…bumukas ang pintuan ng langit. Kulang pala sa “push” kaya ayaw bumukas. Ganoon din ang buhay, parang pintuan. Kailangan ng “push” para bumukas ang oportunidad.

TOILET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with