^

Punto Mo

‘You can’t cheat death’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MINSAN ay inutusan ng isang mayamang amo ang kanyang katulong na bumili ng pagkain sa supermarket. Hindi pa natatagalan ay humahangos na bumalik ang katulong na walang nabili kahit ano. Putlang-putla ito.

“O, ang bilis mo naman. Nasaan ang pinamili mo?” nagta­takang tanong ng amo.

“Madam, hindi na ako tumuloy sa paggo-grocery dahil may nakita akong babaing nakabelo at nakaitim na damit. Nakatingin siya sa akin! Natakot ako kaya umuwi na agad ako.”

“Bakit, ano bang nakakatakot sa babaeng nakaitim?”

“Sabi ng lola ko, ang babaeng nakaitim ay si Kamatayan. Kapag daw nakakita ka ng gano­ong klaseng babae ay kailangan daw umiwas at baka kuhanin ka niya. Ayoko pang mamatay Madam!”

“Kalokohan ang sinasabi mong ‘yan!”

“Naku, totoo po ang sinasabi ko. Kayo po kasing mga sosyal hindi bilib sa matandang paniniwala. Katunayan nga ay magpapaalam ako sa iyo ngayon din. Payagan man ninyo ako o hindi. Sabi ng aking lola, kailangan daw iwasan ang babaeng nakaitim kapag nakita siya. Kaya ngayon din ay uuwi ako sa amin sa San Narciso para magtago.”

Walang nagawa ang amo kundi payagang umalis ang katulong. Naiinis na hinanap ng amo ang babaeng nakaitim sa supermarket. Dahil sa kanya ay nawalan siya ng masipag na katulong. Ang hirap pa namang maghanap ng kapalit. Sa wakas ay nakita niya ang babaeng nakaitim.

“Bakit mo tinakot ang aking katulong?” sumbat ng amo sa babaeng nakaitim.

“A, ‘yun marahil babaeng pandak na kumaripas ng takbo kanina pagkakita sa akin. Excuse me, hindi ko siya tinakot. In fact, ako ang nagulat sa kanya dahil hindi ko siya inaasahang makikita dito. Ibang tao ang sinusundo ko sa lugar na ito. Bukas pa ako pupunta sa San Narciso upang sunduin siya.”

 

vuukle comment

SUPERMARKET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with