^

Punto Mo

Uzbekistan, bibigyan ng $3,000 ang sinumang turista na mahahawa ng COVID-19 sa kanilang bansa

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MALAKI ang tiwala ng mga taga-Uzbekistan na hindi mahahawa ng COVID-19 ang mga turistang bibisita sa kanilang bansa.

Sa laki ng tiwala ng pamahalaan ng Uzbekistan sa kakayahan nilang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus ay nangako ang mga kinauukulan doon na bibigyan nila ng $3,000 (katumbas ng P150,000) ang sinumang turista na magpositibo sa COVID-19 habang nasa kanilang bansa.

Pinirmahan na ni Uzbekistan President Shavkat Mirziyoyev ang batas na naglalaan ng $3,000 sa bawat turistang mahahawa sa COVID-19. Ang nasabing halaga ay batay sa karaniwang gastos sa pagpapagamot para sa coronavirus sa Uzbekistan.

Ayon sa tourism ambassador to the United Kingdom ng Uzbekistan na si Sophie Ibbotson ay malaki ang tiwala ni Pre­sident Shavkat sa pinatutupad na safety at hygiene measures sa doon kaya handa raw itong magtaya ng salapi upang patunayan ang pagiging ligtas ng kanilang bansa mula sa COVID-19.

 

UZBEKISTAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with