^

Punto Mo

Krusada, adbokasiya ba kamo? Totohanin n’yo, huwag puro social media!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MARAMI pa rin ang G na G as in galit na galit at gigil sa aking “babala at pag-iingat” na sinabi. Putting words into my mouth which I never said. 

Binato na ako ng kaldero, planggana, lababo, toilet bowl. Pero habang tumatagal mukang nahihimasmasan na ang mga #HijaAko at #HijoAko dahil ang kanilang mga magulang, nakialam at umayon sa aking paalala.

Wild ang tinatawag nilang Generation Z at Millennials sa social media. Maganda namang nagagamit nila ang kanilang “freedom of expression,” ‘yun nga lang kalimitan, walang alam, sawsaw lang.

Alam ko na sa murang edad ng mga hijo’t hija na ito, meron na silang adbokasiya at krusada na gustong simulan. Well, ang aking maipapayo ay kung gusto nilang seryosohin sila ay maging kabahagi ng mga grupong “totoong” may ipinaglalaban.

Huwag pa-post-post lang, huwag pa-chorva-chorva at kung anong kaek-ekan sa social media. If you really want to make a difference, be a certified or at least a honorary member.

Nandiyan naman ang Gabriela at ang Violence Gainst Crime and Corruption na subok na ng BITAG sa halos dalawang dekada naming serbisyo publiko. Sila ‘yung mga “totoong” tumutulong at “totoong” nakakaintindi sa sitwasyon ng mga biktima.

Etong mga grupo na ito ang “totoong mundo”, lumalaban at nagseserbisyo para sa karapatan at kapakanan ng mga kababaihan. Sila ‘yung may “totoong” adbokasiya at krusada na ipagtanggol ang mga kababaihan laban sa anumang pang-aabuso’t krimen.

Stop the hypocrisy and lies. Hindi nakukuha yan sa pasocial-social media lang. Hindi ‘yan uubra dahil anak ka o siya ng mga kilalang personalidad sa lipunan. Lalong hindi nadadala ‘yan ng apelyido ng mayayaman n’yong magulang.

Mga hijo’t hija na matapang sa social media, seryosohin n’yo ang krusada’t ipinaglalaban niyo.  Walk your talk and walk your walk. Ang inyong pinagsasabi, dapat tumugma sa inyong ipinaglalaban.

 

KRUSADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with