^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi nakapaghanda kay Ambo?

Pang-masa
EDITORYAL - Hindi nakapaghanda kay Ambo?

MALAKING pinsala ang idinulot ng Bagyong Ambo sa probinsiya ng Eastern Samar, Albay, Quezon at iba pang probinsiya sa Southern Tagalog. Pinakamalubha ang pinsala sa Eastern Samar kung saan, 47,000 pamilya ang apektado. Kailangan nila ng pagkain, tubig at mga materyales para sa pagpapagawa ng bago nilang tirahan.

Ayon kay Governor Ben Evardone, pinakagrabeng naapektuhan ang bayan ng Jipadpad at hindi ito marating dahil nasira ang kalsada at tulay patungo roon. Ganunman, nakapagdala na sila ng tulong gaya ng bigas. Ayon sa governor, ang mga inaning palay ng mga taga-Jipadpad ay naanod ng tubig kaya walang makain ang mga tagaroon. Ganundin ang nangyari sa bayan ng Arteche. Mayroon umanong naani ang mga magsasaka pero nabasa rin dahil sa baha. Humihingi ng tulong ang governor sa national government para madaling makabangon ang kanyang probinsiya. Nagdeklara na ng state of calamity ang probinsiya.

Marami ring napinsala sa Gumaca at Real, Quezon makaraang bayuhin ni Ambo. Maraming bahay na nawasak at mga pananim na nasira. Sabi ng mga residente, hindi  raw nila akalain na ganun kalakas ang bagyo. Nagulat na lamang sila sapagkat sumisipol ang hangin at tila nag-aalimpuyo na parang hindi titigil.

Ang mga taga-Eastern Samar ay nagsabing mas malakas pa sa Bagyong Yolanda ang Ambo. Hindi raw nila inaasahan ang ganun kalakas na hangin at ulan. Akala raw nila ay hindi titigil ang pananalasa ng bagyo na ayon sa kanila ay pinakamalakas nilang naranasan.

Bago pa manalasa ang bagyo, nagbabala na ang PAG­ASA na maaaring lumakas pa ito at maging mapa­minsala kaya nagbabala na sa mga lugar na daraanan ng bagyo. Kaya nakapagtataka na mayroong mga bahay sa tinahak ng bagyo na hindi na natalian o nalagyan ng suhay para hindi matumba.

Mayroon ding hindi agad nailikas na mga tao sa mataas na lugar at kung kailan mataas na ang tubig saka lamang nadaluhan ng mga awtoridad. Ang iba ay ayaw umalis dahil sa kanilang mga alagang hayop.

Mahigit 20 bagyo ang bumibisita sa bansa taun-taon at nakapagtataka kung bakit hindi napaghandaan si Ambo. Maaring dahil sa pagiging abala sa pakikibaka sa COVID-19 kaya nakaligtaan ang paghahanda.

Ang nangyari ay isang leksiyon na dapat maghanda sapagkat mapaminsala ang bagyo na isang iglap ay umuutang ng buhay gaya rin ng COVID-19.

AMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with