Maari pa bang magmaneho ang may expired na lisensiya?

Dear Attorney,

Mag e-expire na po ang driver’s­ license ko. Gusto ko lang po sanang itanong kung maari pa rin ba akong magmaneho? Frontliner po kasi ako at kailangan ko ng sasakyan papasok ng trabaho. – Jan

Dear Jan,

Nagpalabas ng “Notice to the Public” ang Land Transportation Office (LTO) ukol sa mga driver’s license, permits at registration ng motor vehicle na mapapaso sa panahon ng ipinapatupad na enhanced community quarantine (ECQ).

Sa pamamagitan ng isang memorandum na inilabas noong Marso 13, 2020, nagbigay ng palugit ang LTO para sa mga lisensiya, permit, at registration na nag-expire mula Marso 13 hanggang Abril 12, 2020, ngunit dahil ilang beses nang napahaba ang ECQ ay inisyu ng LTO ang nabanggit na Notice to the Public kung saan binibigyan ng ahensiya ng pansaman­talang bisa ang mga lisensiya, permit at registration na napaso sa buong panahong itinagal ng ECQ.

Kaya maari ka pa ring magmaneho gamit ang iyong driver’s license kahit ito’y mag-expire habang hindi pa nali-lift ang ECQ.

Nakasaad din sa Notice na bibigyan ng grace period o palugit­ na 60 araw mula sa pagka-lift ng ECQ ang mga lisensiya, permit, at registration na napaso noong panahon ng ECQ.

Hindi rin papatawan ng multa ang late renewal na ito basta’t ma-proseso raw ang renewal sa panahong ibinigay ng LTO.

 

Show comments