1. Nakakapagpababa ng panganib na magkaroon ng diabetes. Base sa artikulong nalathala sa American Journal of Clinical Nutrition, mas mataas ang tsansa na magkaroon ng type 2 diabetes, lalo na ang mga babae, kung hindi sila mag-aalmusal. May kinalaman ang hindi pagkain ng almusal sa pagtaas ng blood sugar level at hypertension.
2. Importante sa kalusugan ng puso. Mga 27 percent ang itinataas ng tsansang magkaroon ng sakit sa puso ang mga taong hindi nag-aalmusal. Ito ang lumabas na resulta sa 16 taong pagsasaliksik ng Harvard School of Public Health.
3. Ang pagkain ng almusal lalo kung ito ay mayaman sa protina ay nakakatulong upang mawalan ka ng ganang kumain ng junk food dahil busog ka. Ang pagkaing mayaman sa protina ay nakapagbibigay ng satisfaction kaya matagal makadama ng gutom.
4. Mas malakas ang energy ng taong nag-almusal kaya nagkakaroon sila ng “motivation” na maging aktibo maghapon.
5. Ayon sa review ng 2005 Journal of the American Dietetic Association tungkol sa 47 breakfast-related studies, ang pag-aalmusal ay nakabubuti sa ating cognitive function – iyon bang may kinalaman sa memorya. Ang matalas na memorya ay tulay sa pagpapaunlad ng talino. Kaya simple lang pala ang sekreto para maging matalino, mag-almusal lagi!