^

Punto Mo

Bakit kailangang mag-almusal?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Nakakapagpababa ng panganib na magkaroon ng diabetes. Base sa artikulong nalathala sa American Journal of Clinical Nutrition, mas mataas ang tsansa na magkaroon ng type 2 diabetes, lalo na ang mga babae, kung hindi sila mag-aalmusal. May kinalaman ang hindi pagkain ng almusal sa pagtaas ng blood sugar level at hyper­tension.

2. Importante sa kalusugan ng puso. Mga 27 percent ang itinataas ng tsansang magkaroon ng sakit sa puso ang mga taong  hindi nag-aalmusal. Ito ang lumabas na resulta sa 16 taong pagsasaliksik ng Harvard School of Public Health.

3. Ang pagkain ng almusal lalo kung ito ay mayaman sa protina ay naka­katulong upang mawalan ka ng ganang kumain ng junk food dahil busog ka. Ang pagkaing mayaman sa protina ay nakapagbibigay ng satis­faction kaya matagal makadama ng gutom.

4. Mas malakas ang energy ng taong nag-almusal kaya nagkakaroon sila ng “motivation” na maging aktibo maghapon.

5. Ayon sa review ng 2005 Journal of the American Dietetic Association tungkol sa 47 breakfast-related studies, ang pag-aalmusal ay nakabubuti sa ating cognitive function – iyon bang may kinalaman sa memorya. Ang matalas na memorya ay tulay sa pagpapaunlad ng talino. Kaya simple lang pala ang sekreto para maging matalino, mag-almusal lagi!

ALMUSAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with