‘Wag na munang magsisihan at magsilipan kundi magtulungan

Sa kasagsagan ng laban sa COVID-19 sa bansa, sumabay naman ang panawagan ng mga senador sa pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque.

Pero nagpasya na si Pangulong Digong, mananatili sa kanyang tungkulin ang health secretary.

Mukha nga naman na wrong  timing ang resolusyon ng mga senador sa pagpapabitiw ng nabanggit na opisyal.

Sa kasagsagan pa naman ito ng isinasagawang mga mass testing sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa panig ni Sen. Bong Go, mahirap magpalit ng kapitan sa gitna ng giyera.

Maaaring may ilang pagkukulang, pero makikita rin naman ang pagsisikap ni Duque at ng buong departamento para malabanan ang COVID-19 sa bansa.

Hindi naman talaga ito napeperpekto,

Maging ang malalaking bansa, tulad ng US at Italy aminadong hirap din silang malabanan ang COVID.

Kung tutuusin, mga malalakas na bansa ang iba pa sa mga ito, may sapat na pondo at kakayahan pero, hindi napigilan ang paglaganap ng sakit.

Hindi marahil ito ang panahon nang sisihan at turuan, kundi pakikipagtulungan para magtagumpay sa laban.

Show comments