Ang marangal na pulitiko

NOONG bago pa lang nagsisilbi bilang British diplomat si George Harold Nicholson, humingi siya ng payo kay Stanley Baldwin na may mala­wak na karanasan sa pulitika.

Si Baldwin ay humawak nang maraming posisyon sa gobyerno, kung saan ang pinakamataas ay pagiging Prime Minister ng United Kingdom mula 1935 to 1937.

Ang ilang bagay na ipinayo ni Baldwin kay Nicholson na noon ay bagito pa lang sa mundo ng pulitika ay ang mga sumusunod:

Una, huwag mong pagtatawanan ang kapalpakan ng iyong kalaban. Hindi iyon gawain ng marangal na lalaki.

Pangalawa, kahit pa maganda ang iyong motibo, lagi kang pag-iisipan ng masama ng mga kalaban. Kaya…masanay ka na.

Pangatlo, kahit pa kasingbuti mo si Hesukristo, may mga kritiko na lilitaw at mamimintas ng mga ginagawa mo. ‘Di ba’t marami ring kritiko si Panginoong Hesus noong kanyang kapa­nahunan?  

Sa mundo ng pulitika, mahirap manalo sa mata ng mga kalaban.

Masama tayo kung ginawa natin ang isang bagay; kapag ‘di naman tayo kumilos, masama pa rin ang tingin nila sa atin.

Pero huwag kang paapekto sa mga kritikong ito. Just do your best all the time.

Mga lalaking lampa lamang ang nambabato ng puno na hitik sa bunga.

Show comments