^

Punto Mo

May krisis na, may magugulo pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa ganitong panahon ng emergency at krisis na nararanasan hindi lang sa ating bansa kundi sa malaking bahagi ng mundo, hindi maaalis na talagang kapusin sa pangangailangan ang marami dahil sa mga pinaiiral na lockdown dahil sa COVID­-19

Kung baga, tigil talaga ang buhay, na ito naman ay dahil sa hangad ng maraming bansa na mapigilan ang paglaganap ng sakit na kung magka-ganito ay mas lalong malaking problema.

Dito naman hinahangad ang kooperasyon ng lahat para mas mapadali ang paglaban sa sakit.

Halos lahat na yata ng bansa, naglabas ng kanilang kaban para masugpo ang sakit at masustentuhan pansamantal kahit sa maliit na paraan ang kanilang mga mamamayan.

Ganyan din ang ginagawa sa ating bansa.

Pero ika nga, hindi naman ito agad na napeperpekto, at marahil may ilan na maaaring hindi pa ito nararamdaman.

Hindi naman ibig sabihin nito ay kinalimutan na sila, intay-intay lang.

Kung talaga namang hayagan na ang pagiging pabaya ng mga opisyal sa kanilang lugar, pwede rin naman nilang kalampagin ang mga ito at magsumbong sa mga kinauukulan kung talagang may pagkukulang.

Dapat idaan sa tamang paraan, hindi ‘yung katulad ng ginawa ng grupong pinangunahan ng Kadamay na nagrali  at inulukan pa ang mga residente sa isang barangay. Ibig sabihin ginamit ang mga residente para sa kanilang sariling motibo.

Itong Kadamay,  literal na nandadamay, ayun nang magkaarestuhan, karamihan sa nakalaboso yung mga residenteng ginamit nila ang kahinaan.

Nagalit siyempre pa si Pangulong digong dahil nga naman nasa gitna na krisis sa malubhang karamdaman na hindi alam kung kailang matatapos, sumasabay pa ang ganitong mga kaguluhan.

Marahil kaya a nakapagsalita na ‘pagbabarilin ‘ ang mga manngugulo sa gitna nang ipinatutupad na    enhanced community quarantine.

Hindi kailangan lalu sa ganitong krisis na nararanasan ang mga pasaway, kundi pagtutulungan at kapayapaan.

KRISIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with