^

Punto Mo

EDITORYAL - Babala sa mga mangungupit ng pera at relief goods

Pang-masa
EDITORYAL - Babala sa mga mangungupit ng pera at relief goods

MARAMI pang residente ng barangay ang hindi naaabutan ng tulong. Kahit daw 1 sardinas ay wala pang nakakarating sa kanila. Ang iba ay duma­daing na wala nang maisaing dahil naubos na ang kanilang binili at wala na silang perang maipambili dahil nawalan na sila nang pagkakakitaan mula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) mahigit dalawang linggo na ang nakaraan. Kahit mga jeepney at bus driver ay umaaray na sapag­kat natigil ang kanilang biyahe dahil sa ECQ. Ang inaasahan nila ay ang sinasabing tulong mula sa Local Government Units (LGUs) subalit wala silang natatanggap. Meron din daw cash na matatanggap­ subalit napapailing na lamang ang mga residente sapagkat kung ang bigas ay wala silang natatanggap, cash pa kaya.

Nagbabala si President Duterte kamakalawa sa mga opisyal ng gobyerno na mapapatunayang nangu­pit ng pera at relief goods para sa mga apektado ng COVID-19 na ipakukulong niya. Huwag daw magkakamali ang mga opisyal na nakawin ang pondo o mga tulong sapagkat hindi niya palulusutin ang mga ito. Hindi raw siya malupit na tao pero kapag gumawa ng katiwalian ang mga opisyal na naatasang mamahagi ng pera, pagkain at iba pa sa mga apektado ng COVID, humanda ang mga ito sapagkat ipaku­kulong niya.

Binalaan din niya ang mga nagho-hoard ng paninda at ‘yung nagda-divert ng tulong sa mga hindi naman dapat tulungan, huwag na huwag daw itong gagawin sapagkat hindi niya patatawarin. Huwag daw mandaya, mangurakot o itago ang pagkain sapagkat mala­laman niya ang mga ito at ipakukulong niya ang go­vernment official. Bukod sa ipakukulong, sususpendihin din daw niya ang mga mangungurakot.

Maaaring nakarating na rin sa Presidente ang sumbong na may mga barangay chairman na inuunang bigyan ng relief goods ang mga kamag-anak at supporters niya at mga kalaban nung eleksiyon ay hindi na nabibigyan. Nararapat lamang na maparusahan ang mga opisyal ng gobyerno na gumagawa ng kabulastugan. Ikulong ang mga ito!

 

RELIEF GOODS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with