Ang babae sa aparador (6)

‘‘AKO naman si Jonas. Tawagin mo na lamang akong Kuya Jonas dahil mas matanda ako sa’yo. Anong age mo na ba?’’

“Twenty po, Kuya Jonas.’’

“Matanda nga ako sa’yo ng limang taon.’’

Napansin ni Jonas na hindi pa nauubos ni Ziarah ang pagkain nito. Bahagyang nabawasan ang fried chicken at kanin.

‘‘Kumain ka pa Ziarah. Hindi mo pa halos nababawasan ‘yang pagkain mo.’’

“Para pong wala akong ganang kumain, Kuya Jonas­.’’

‘‘Siguro’y dahil dun sa manyakis mong ama-amahan. Pero pilitin mong kumain at malayu-layo pa ang ating tatakbuhin. Mga isang oras pa bago tayo ma­karating sa Makati.’’

Kumain si Ziarah. Pinilit kahit na walang gana.

Nakatingin si Jonas. Na­awa si Jonas.

‘‘Sige kumain ka at magsi-CR lang ako.’’

‘‘Opo Kuya.’’

Nagtungo si Jonas sa CR at dyuminggel. Pagkatapos ay naghugas ng kamay at naghilamos. Habang naghihilamos ay iniisip kung saan ibababa si Ziarah. Mayroon kaya itong balak puntahan sa Manila?

Nang magbalik siya ay nabawasan nang malaki ang fried chicken at kalahati na ang kanin.

“Tapos ka na, Ziarah?’’

“Opo Kuya.’’

“Baka gusto mong mag-CR. Ayun ang CR. Hihintayin kita rito.’’

“Salamat po Kuya. Ka­nina pa nga po nadidying­gel.’’

Nagtungo sa CR si Ziarah.

Naghintay si Jonas.

Maya-maya, papalapit na si Ziarah.

‘‘Halika na.’’

Lumabas na sila at tinu­­ngo ang kinapaparadahan ng sasakyan.

“Dito ka na sa unahan umupo, Zia­rah.’’

Sumakay sila. Pinaandar ni Jonas at umalis na sila. Marahan ang pagpapatakbo ni Jonas.

Nagtanong si Jo­nas makaraan ang ilang minuto.

“Ano ang balak mo ngayon, Ziarah?’’

“Hindi ko nga po alam Kuya Jonas.”

 (Itutuloy)

Show comments