^

Punto Mo

Daming pasaway!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Marami talagang Pinoy ang masasabing ‘pasaway’.

Sinabi na ngang mag-stay sa bahay, ayaw paawat at mas gusto ang gumala na wala namang kadahi-dahilan.

Araw-araw na lang ay sangkaterbang mga ‘pasaway’ na indibiduwal ang dinarampot ng mga awtoridad dahil sa hindi pagsunod sa ipinatutupad na mga polisiya sa ilalim ng enhanced community quarantine.

Panay ang tambay sa labas ng bahay hindi naman tanod o guwardiya.

Ang hilig pa ng iba, kuwento-kuwento lang sa kalsada pa, hindi makatiis na walang tsimisan kahit na nga nakabanta ang panganib ng COVID-19.

Hindi lang ‘yan ang maituturing na mga pasaway.

Noong Linggo, biruin ba naman ninyong sumabay pa ng pagrarali ang grupo ng Kadamay sa Quezon City.

Nag-noise barrage pa ang grupo at kinokondena ang ipinatutupad na quarantine at mass testing dahil hindi umano ito solusyon sa COVID-19,  habang ang dala nilang banner at placard­ naman ay nakalagay ang “Proteksiyunan ang kalusugan at kabuhayan” at nanghihingi ng mga bitamina at iba pang proteksyon sa kalusugan.

Ay naku naman, talagang merong mga ganito na habang pinipigil doon naman gigil na gigil sa pagsuway.

Bawal na nga ang mass gathering, doon pa nagrarali.

Mahirap din talaga ang kalagayan ng mga awtoridad, kung ganitong karami ang pasaway.

Walang pakialam sa iba, basta magawa ang gusto nila.

Pagnahawa o nakahawa roon ngangawa!

PASAWAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with