^

Punto Mo

EDITORYAL - 4-day work week, dapat nang isulong

Pang-masa
EDITORYAL - 4-day work week, dapat nang isulong

UMABOT na sa 52 ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Sa kabila na tumataas ang kaso, wala pang balak ang gobyerno na i-lockdown ang Metro Manila. Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), magdedeklara lamang ng lockdown kapag ang code red ay iniakyat na sa sublevel 2 o mayroon nang transmission sa mga komunidad. Kung magpapatupad ng lockdown, 14 na araw ang itatagal dahil ito ang incubation period ng virus. Pero ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, gagawin lamang ito sa kung kailangang-kailangan na.

Ayon sa pamahalaan, kaysa mag-lockdown, gawin na lamang apat-na-araw na trabaho sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan. Mas praktikal at epektibo anila ito para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Secretary to the Cabinet Karlo Nograles, isusulong nila ang scheme at puwede rin itong gayahin ng pribadong sector. Bukod sa apat-na-araw na trabaho, isinusulong din nila ang flexi-work arrangements o ‘yung maaaring gawin sa bahay ay doon na gawin para makaiwas sa virus.

Pero sabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) malaking adjustment umano ang kanilang ga­ga­win kapag pinayagan ang 4-day work week na panukala. Apektado rin umano rito ang pri­badong sector kapag pinatupad ito. Marami uma­nong ma-lulugi at maaaring magsara kapag ipinatupad ang scheme.

Hindi pa nasusubukan ay binaril na agad ng BIR ang panukala. Maganda sana ang planong four-day work week sapagkat mapipigilan nito ang pagkalat ng sakit. Kung apat na araw lang ang trabaho, mababawasan ang paghahawahan.

Hindi sana ito kinontra agad ng BIR. Gagawin lamang naman ito ngayong pandemic na ang COVID-19 at halos lahat ng bansa ay gumagawa ng paraan para makontrol ang sakit. Mas maganda kung ang Presidente na mismo ang mag-uutos ukol dito. Baka sakaling maipatupad kung ang mataas na pinuno ang mag-uutos.

4-DAY WORK WEEK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with