^

Punto Mo

Ang chalk at ang Diyos

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SA University of Southern California, may isang propesor sa Philosophy na atheist. Ang primary goal niya ay patunayan sa kanyang mga estudyante na walang Diyos. Sa last day ng semester, naging tradisyon na niya na tanungin ang buong klase:

“If there is anyone here who still believes in God, stand up!” 

Sa 25 years na pagtuturo ng propesor na ito, may mangilan­ngilang naglakas-loob na tumayo at nagsabing naniniwala pa rin silang may Diyos. Kaya lang ang kapalit ng pagtayo ay pamamahiya ng propesor. Sasabihan ang estudyante ng:

Bobo! Halatang wala kang natutuhan sa akin. Naniniwala ka pa rin may Diyos kahit isang libong beses ko nang sinabi at ipinaliwanag na hindi totoo ang Diyos.

Kaya ang resulta ay walang nang kumokontra sa propesor. May demonstration pang gagawin ang propesor na ihahagis nito ang one box ng chalk sa sahig. Kung totoong may Diyos, hindi mababasag ang mga chalk. Kaso malutong ang mga chalk kaya lahat ay nagpuputol-putol kapag bumagsak sa sahig.

Sa 26th years na pagtuturo ng propesor, isang estudyanteng Christian ang tumayo noong last day ng semester. Buong tapang nitong inamin sa propesor na naniniwala pa rin siya na may Diyos. Ngumisi ang propesor, kumuha ng isang pirasong chalk.

Ibabato ko ang chalk na ito sa pader. Kung hindi ito madudurog at malalaglag sa sahig na buo pa rin, then, congratulations, mali ako at tama ka, totoo ang Diyos na sinasabi mo.

Kaso bago ibato ang chalk sa pader, ang chalk ay kumawala sa kamay ng propesor. Sa hindi malamang dahilan ito ay nalaglag sa loob ng kanyang polo shirt, gumulong sa loob ng kanyang pants at buo pa rin lumabas ang chalk sa ilalim ng kanyang pants. Nakita iyon ng 100 estudyanteng nasa lecture hall. Nanlaki ang mata ng propesor. Nagtatakbo palabas ng lecture hall at iniwan nang walang paalam ang kanyang mga estudyante. Nagpalakpakan ang mga estudyante sa milagrong nasaksihan nila.

vuukle comment

ATHEIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with