SI Gandhi ang nagsabing, “Ilagay ang isip at kaluluwa sa kahit pinakamaliit na bagay na ginagawa mo.” Ito siguro ang prinsipyong isinapuso niya kaya mula sa pagiging average student ay nagtapos siya ng abogasya sa London.
Abogado na siya noon pero mahiyain pa rin si Gandhi. Minsan ay ipinadala siya ng Indian Law firm sa South Africa para asikasuhin ang isang legal case. Nang panahong iyon ay marami na rin ang naninirahang Indian sa South Africa.
Isang araw, namasyal si Gandhi at nagpasyang sumakay ng tren. Aba, wala pang ilang segundo ay may dalawang lalaking Aprikano ang bumuhat sa kanya at inihagis siya palabas ng tren.
Bawal palang sumakay ang mga Indians sa first class train sa South Africa. Kasi kung hindi alipin ay laborer at mga tindero lamang ang mga Indian sa South Africa. Kahit tapos na ang legal case na inasikaso niya roon ay nanatili siya nang matagal sa South Africa para tulungan ang kanyang mga kababayan na magprotesta tungkol sa racial discrimination.
Ito ang naging simula ng kanyang pakikipaglaban para sa kan-yang mga kababayan. Naibigay sa mga Indians ang equal rights sa South Africa dahil sa non-violent protest na pinangunahan ni Gandhi.
Si Gandhi ang nagsabing maging simple lang dapat ang pamumuhay ng mga public officials para maiwasan ang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Upang ipakita na isinasabuhay niya ang kanyang mga itinuturong prinsipyo, wala siyang ginamit na damit kundi kapirasong telang nakabalabal sa kanyang katawan. Siya mismo ang naghahabi at naglalaba ng sarili niyang balabal. At higit sa lahat namuhay siya ng walang sex. “So that he could learn to love rather than lust.”