^

Punto Mo

Ang laboratory ni Thomas Edison

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ISANG gabi ng December 1914, isang malaking sunog ang tumupok sa laboratory ni Thomas Edison. Naroon sa laboratoryong iyon ang mga dokumento ng halos lahat ng experiment na ginawa ni Edison.

Kitang-kita ng anak na binata ni Edison kung paano nilamon ng apoy ang laboratoryong ipinatayo ng kanyang ama noong bata pa siya. Lalo siyang nasaktan nang makita niya ang malungkot na mukha ng ama habang pinapanood na unti-unting naaabo ang laboratoryo.

Matanda na ang kanyang ama. Parang napakahi­rap naman na magsisimula ulit ito sa zero dahil na­sunog ang lahat ng mga ginawa nitong projects, experiments, documents at marami pang mahahala­gang bagay.

Kinabukasan, sama-sama ang mag-anak na tumayo sa harapan ng nasunog na laboratoryo. Nagwika si Edison sa asawa at mga anak: Huwag tayong malungkot sa nangyari. Isipin na lang natin ay ganito: Mabuti at nasunog na ang lahat ng mali nating ginawa. Salamat po sa Diyos at makakapagsimula ulit tayo ng mga panibagong experiment at projects.

“Keep your face always toward the sunshine - and shadows will fall behind you.”

— Walt Whitman

THOMAS EDISON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with