Pinakamaliit na gingerbread house, inukit gamit ang microscope

ISANG researcher sa Canadian university ang nagsabing nagawa niyang ukitin ang pinakamaliit na “gingerbread house” sa isang piraso ng silicon gamit ang isang microscope.

Ayon kay Travis Casagrande research associate sa McMaster University, inukit niya ang imahe ng isang nakangiting snowman na mas maliit pa sa hibla ng buhok mula sa piraso ng silicon at mula sa ulo ng nasabing snowman ay saka naman niya inukit ang isang maliit na “gingerbread house”.

Kalahati raw ang laki ng inukit ni Casagrande kung ikukumpara sa dating pinakamaliit na gingerbread house na inukit sa France noong isang taon.

Dati nang umukit si Casagrande ng  maliit na flagpole at bandila ng Canada sa isang barya sa pamamagitan ng parehong pamamaraan.

Show comments