ISANG lungsod sa Indonesia ang namimigay ng sisiw sa 2,000 elementary at middle school students upang labanan ang pagkalulong ng mga bata sa paggamit ng Internet at smartphones.
Inanunsiyo ng lokal na gobyerno sa Bandung, West Java ang pamimigay nila ng mga alagang sisiw sa mga estudyante upang malibang ang mga ito at makaiwas pansamantala sa pag-i-internet at sa paggamit ng kanilang smartphones.
Ang mayor ng lungsod na si Oded Danial ang nakaisip sa proyekto noong Oktubre. Umaasa silang ang pag-aalaga ng sisiw ay magtuturo sa mga mag-aaral upang maging responsable.
Ayon kay Danial, may premyong nag-aantay sa mga makakapagpalaki ng kani-kanilang mga sisiw.