GINAWANG negosyo ni alyas Boratong ang mga pasugalan sa sakop ni Brig. Gen. Val de Leon, director ng Central Visayas police. Para lumaki ang lingguhang tara niya, ang ginawa pala ni Boratong ay kumuha pa ng partner na isang intelligence officer ng PRO7, ayon sa mga kausap ko sa Camp Crame. Kaya naghihinagpis sa ngayon ang mga may palaro sa Central Visayas dahil mas malufeettt pa sa piranha kung sumagpang si Boratong at partner niya sa lingguhang intelihensiya. Araguuyyy! Ganito pala mga kosa ang sistema ni Boratong, ayon sa mga kausap ko. Humingi nang malakihang goodwill si Boratong sa mga may palaro at siyempre, ganundin ang kapartner niya. May gambling lords pa na hiningan ni Boratong ng Toyota Grandia. At alam mo ba PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamboa Sir kung magkano ang bawa’t isang Grandia? Tumataginting na P3 milyon. Araguuyyy! Hak hak hak! Ang kapal talaga ng mukha at sobrang tibay ng dibdib ni Boratong. At kapag nagbigay na ng goodwill o lingguhang tara ang mga may pasugalan, sasabihin ni Boratong sa nag-abot ng pitsa na huwag itong sabihin sa kanyang partner dahil sisingil din ito ng para sa kanya. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Sweet and sour ang lakad ni Boratong at partner niya ‘no? Hehehe! Weder-weder lang ‘yan!
Kapag hindi masawata ni De Leon si Boratong at partner nito, tiyak sasabog siya at goodbye na lang sa ambisyon na maging hepe ng Philippine National Police (PNP). Si De Leon ay manok ni Inday Sarah kaya malaki ang tsansa niya dahil makapagbulong ito kay President Digong di tulad ng mga kapatid na sina Polong at Baste. Get’s n’yo mga kosa? Habang nasa kasagsagan ng pagpili ng bagong PNP chief si Digong, kumalat pa nga ang litrato na dinalaw ni Inday Sarah si De Leon sa Cebu para siguro iparating sa madlang people ang pag-endorso niya sa una. Ang balita pa sa Camp Crame, may kamag-anak si De Leon na nasa opisina ni Mayor Inday Sarah, kaya pinipilit na makuha ng una ang pagka-PNP chief. Subalit ang mamimili ay si Digong kaya goodbye na lang sa kandidatura ni De Leon kapag nakarating sa una ang panghaharabas ni Boratong sa pasugalan sa Central Visayas, di ba mga kosa? Ang gusto kasi ni Digong ay “honest” ang senior official na itatalaga niya sa trono na binitiwan ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde kaya nahihirapan siyang mamili. Araguuyyy! Hak hak hak! Itong panghaharabas ba ni Boratong sa mga gambling lord ay matatawag na di «honest.» Tumpak! Ano sa tingin n’yo mga kosa?
Sinabi naman ng kampo ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma na ang Cebu City lang ang wala pang Small Town Lottery (STL) dahil sa hindi pagbayad ng franchise holder na Sinsilyo ng kanilang tinatawag na Presumptive Monthly Retail REceipt (PMRR) noong nakaraaang administration. Ang iba namang probinsiya sa Central Visayas ay may STL na kaya imposible na magbigay ng Grandia sila kay Boratong dahil legal ang trabaho nila. Hak hak hak! Sobrang buwenas talaga si Boratong. Abangan!