Walang kupas ang nararanasang matinding trapik sa mga lansangan sa Metro Manila.
Kung sabagay, tila nakakasanayan na ng ating mga kababayan ang ganitong klase ng trapik na araw-araw nilang nasasagupa .
Tiis-tiis pa dahil lalo pa itong lalala, ngayong malapit na nga ang holiday seasons.
Sinasabing isa sa dahilan kung bakit hindi masolusyunan ang trapik sa bansa ay dahil sa kawalan ng disiplina ng mara-ming mga driver, mapa-pribado man o nagmamaneho sa mga pampublikong sasakyan.
Ito kasi ang nasasaksihan ng mga kuha sa CCTV ng MMDA sa ibat-ibang lugar sa araw-araw. Ang galaw ng mga pasaway na nakakadagdag sa mabigat na trapik.
Isama pa nga rito ang maraming mga aksidente sa daan na ang isa ring nakikitang dahilan eh kawalan pa rin ng disiplina.
Alam ba ninyong tinatayang nasa apat ang nasasawi araw-araw dahil sa mga road ctrashers at aksidente na puwede namang maiwasan kung responsable lamang ang isang driver sa manibela.
Base sa inilabas na ulat ng PNP-Highway Patrol Group tinatayang nasa 1, 186 katao ang nasawi sa mahigit sa 9,000 road accidents na naganap mula Enero hanggang nito lamang Set-yembre ng kasalukuyang taon.
Lumitaw din sa rekord na ang buwan ng Pebrero ang may pinakamataas na death toll na may 188, sinundan ng Setyembre na may 186 at Abril na 161.
Sa mga aksidenteng ito , nasa 8,809 ay dahil sa reckless driving. Kasama na riyan ang walang patumanggang overtaking, over speeding, nagmamaneho ng lasing o kaya ay gumagamit ng cellphone kung saan nawawala ang pokus sa manibela.
Sumunod lamang na dahilan ang poor road conditions, mechanical defects sa mga sasakyan na madalas na idahilan ng driver na nasasangkot sa aksidente.
Kadalasang ang sinisisi ang sasakyan, yung pala sila mismo ang may diprensya.
Kaya nga kung maymatindi nang trapik, hindi dapat mawala na maisakatuparan pa ang safe driving.
Ligtas ka na, ‘di ka pa makakadagdag sa problema.