Pinakamalaking solo drawing sa mundo, iginuhit ng taga-Scotland

NAGTALA ng bagong world record ang Scottish artist na si Johanna Basford matapos niyang solo na iguhit ang pinakamalaking drawing sa mundo.

Umabot ng 12 oras ang pagguhit ni Basford bago niya natapos iguhit ang 4,520 square feet na drawing.

Binuo niya ang drawing gamit ang lapis at black marker pens, na pinangdrowing niya sa mga papel na nakalatag sa gymnasium ng dati niyang paaralan.

Nakamasid ang isang Guinness World Record judge upang sukatin ang drawing at upang makumpirma na nakapagtala na nga ng bagong world record si Basford.

Ang dating record ay itinala ni Aman Singh Gulati, na gumuhit ng isang dambuhalang drawing na umabot 410 square meters (4,4136 square feet).

Show comments