NAITALA sa Guinness World Record ang isang bagong world record nang lutuin doon ang isang carnitas taco na nasa 335 talampakan ang haba.
Ayon sa nag-organisa sa paggawa ng dambuhalang taco na si Alejandro Paredes Resendiz, noong 2011 pa niya plano gumawa ng tacos na magtatala ng world record.
Nagkatotoo ang kanyang plano nito lamang nakaraang linggo nang magtulong-tulong ang mga local chefs sa Quertaro, Mexico sa pag-assemble sa 335-talampa-kang carnitas taco mula sa 1,500 kilos ng karne ng baboy at 1,200 kilos ng corn tortillas.
Ayon kay Resendiz, nasa walong buwan ang naging preparasyon bago ginawa ang taco, na pinaghatian at pinagpistahan ng nasa 15,000 na mga tagamasid matapos kunin ang opisyal nitong sukat.
Isang 246-talampakang taco na binuo sa Guadalajara, Mexico ang nagtala ng da-ting world record.