MUKHANG nagmumuni-muni si Boss Digong na ipagbawal ang paggamit ng plastik sa Philippines my Philippines.
Nabalitaan kasi ang Philippines my Philippines sa isang report ng plastic pollution, ang number 3 sa pinakamalaking source nang plastic na nakukuha sa karagatan kasunod ng China at Indonesia.
May dalawang measures ang naglalayon ipagbabawal ang single-use plastics.
Sabi nga, tama lang ito!
Bakit?
Nasasalaula ang karagatan at iba pang mga lugar dahil sa paggamit ng madlang people ng plastic bags kaya habang may panahon pa ay ibawal na ito.
Sabi nga, apektado ang mga laman dagat sa pagtatapon ng plastic sa karagatan.
Ika nga, nalululon ito ng mga isda maski na ang mga naglalakihan isda ay namamatay dahil sa plastic.
Masyadong mabagal ang mga politiko para gawin batas ang pagbabawal ng single- use plastic lalo na’t madalas itong gamitin sa mga food establishments, mga tindahan, palengke at retailers.
Siguro mas mainam na magdala na lamang sila ng kanilang mga sariling lalagyan pagpunta sa merkado kasi ipagbabawal na rin siguro ang importasyon ng single-use plastics.
Ano sa palagay ninyo? Abangan.
• • • • • •
Kamay na bakal vs drugs
Mahirap matiktikan ang mga international drug syndicate na gumagawa ng paraan para maipasok sa Philippines my Philippines ang kanilang produkto.
Bakit?
May mga kasabwat kasi ang mga international drug syndicate na kumikita o tumatanggap ng malaking halaga ng salapi sa Philippines my Philippines.
‘Hanggang walang death penalty law sa Philippines my Philippines ay hindi titigil ang mga hunghang sa kanilang monkey business.’
Sana subukan ng gobierno na ipa-firing squad ang mga bigtime drug lords lalo’t mga banyaga sila.
Sabi nga, sino ang maglalakas loob kung may death penalty sa atin at totohanan papatayin sila dahil batas ito sa Philippines my Philippines,
“Remember Lim Seng, ang drug lord noong panahon ni Apo Marcos pina-firing squad televised sa mga telebisyon, radyo at pinanood ng madlang people.
Ito dapat ang ibalik ng gobierno!
Sabi nga, kamay na bakal ang kailangan.
Masyado kasing mabagal umaksyon ang justice system natin tungkol sa mga kaso ng droga sana pag nabalik ang parusang kamatayan sa droga at iba pang mga karumaldumal na krimen ‘sabay-sabayin na silang lahat.’ hehehe!