The better Samaritan
May isang maliit na bayan na napapalibutan ng bangin. Kadalasan ay aksidenteng nahuhulog ang mga tao sa nabanggit na bangin kaya’t naisipan ng may mabubuting puso na mag-raise ng fund upang makabili sila ng ambulansiya. Ito ay naka-stand by sa plaza upang anumang oras na may maganap na aksidente ay agad maisusugod ang pasyente sa ospital.
Ngunit may isang matalino na tumutol sa pagbili ng ambulansiya. Bakit daw hindi gamitin ang pondong malilikom sa pagpapagawa ng sementong bakod sa paligid ng bangin? Sa ganitong paraan, maiiwasan ang aksidente. At kung walang aksidente, hindi na kakailanganin ang ambulansiya. Bakit hihintayin pang masaktan kung puwede namang maiwasan ito?
Ngunit karamihan sa mga mamamayang nakatira sa ba-yang iyon ay simple minded o hindi nag-iisip nang malalim. Dahil dito, tutol sila sa suggestion ng matalino. Gusto pa rin nilang ituloy ang planong pagbili ng ambulansiya. Base sa istorya, makikita ang dalawang klase ng matulunging tao: 1) Good Samaritan: tumutulong pagkatapos maperwisyo ang kapwa. 2) The Better Samaritan: tumutulong upang maiiwas ang kapwa sa perwisyo. Alin ka sa dalawa?
- Latest