Kumusta na si Ang Probinsyano party-list Rep. Delos Santos?

ANO na kaya ang nangyari sa ginawa nitong panununtok kay Christian Kent Alejo, waiter ng Biggs Diner sa Legaspi City last July 7?

Nabigyan ba ito ng hustisiya?

Totoong pinuntahan ni delos Santos sa haybol ni Alejo para magmaka-awa este mali mag-sorry pala.

Kung pinatawad man ito ni Alejo ay hindi ito ang isyu. Ang tanong ano ang naging reaction ng kanyang mga kasamahang kongresista o ang ethics committee dahil ‘live’ sa CCTV camera o kitang-kita ang ginawa niyang pag-job sa pobreng waiter sa national television noon.

Gawain ba ito ng isang kongresista sa isang mahirap na tao?

Ano sa palagay ninyo?

Ang gusto natin malaman kung ano ang penalty nito sa mga kasamahan niya sa Kongreso?

Meron ba o kinalimutan na?

Ipinakita lamang ni delos Santos kung gaano siyang kabarumbadong kongresista?

Hindi dapat niyang pinagbuhatan ng kamay ang pobreng alindahaw.

Ano sa palagay ninyo?

Naimbestigahan ba ang ginawa niyang panununtok sa Ethic committee o natangay ng baha ng magkaroon ng malakas na bagyo ang dapat mag-imbestiga kung mayroon man? Hehehe!

Tinabla kaya?

Abangan.

• • • • •

Innocent until proven guilty!

   Dapat litisin na sa lalong madaling panahon si dating CPNP Oscar Albayalde plus iyong sinasabing mga tauhan niyang mga ‘ninja cops’ para malaman ng madlang public kung talagang may kinalaman ang una sa recycling of drugs at mabigyan ng kaukulang parusa.

Nagtitimpi ang madlang people sa pangyayaring ito hindi nila sukat akalain na mangyayari ang ‘recycling of drugs’ sa PNP at nasasangkot pa ang pinakamataas na opisyal ng kapulisan.

Naku ha!

Ano ba ito?

May mga naniniwala na mahirap daw patunayan ang pagkakasangkot ni Albayalde sa kasong talk of the town ngayon lalo’t kung mabigat ang abogado niyang magtatanggol sa kanya sa korte ?

Sinasabing puro hearsay lang daw ang pangyayaring ito at walang direktang kinalaman si Albayalde sa mga kagaguhan ng ninja cops ?

Ano sa palagay ninyo ?

Dapat sampahan na ng kaso sina Albayalde para gumulong na ang hustisiya at magkaalamanan ng totoong istorya.

Sabit kaya si Albayalde sa kasong isasampa ?

‘Yan ang husgado lamang ang makakapagsabi kung guilty or not guilty.

Si Albayalde ay ‘innocent until proven guilty.’

Hindi natin kinakampihan si Albayalde dahil hindi naman kami magkakilala nito pero kailangan siyang bigyan ng due process !

Anong say ninyo?

Abangan.

Show comments