^

Punto Mo

Kuwatog, nangatog kay Domagoso!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

NANGATOG si alyas Kuwatog kay Manila Mayor Francisco Domagoso kaya binaklas niya ang nakalatag na video karera machines sa kapaligiran ng Del Pan Sports Complex sa Binondo. May takot din pala kay Domagoso si Kuwatog, ano mga kosa? Araguuyyy! Mabilis pa sa alas kuwatro na niligpit ni Kuwatog ang mga makina niya sa Valderama, sa center island, sa Barrio Siete at sa ilalim ng tulay sa Muelle matapos kong ibulgar ang paglatag niya ng mga makina.

Kaya ang bayaw ni Kuwatog na si Onse (Onse ba ang daliri nito) na dating locator niya ng video karera ay nagtitiis na lang sa ngayon sa pagbiyahe ng tricycle. In fairness, kahit hitik ng shabu ang center island sa Del Pan, si Kuwatog ay hindi luminya sa droga dahil VK lang talaga ang lakad niya.

Subalit si Kuwatog ay labas-masok sa City Hall at mukhang walang balak si Maj. Rosalino Ibay Jr., ang hepe ng Smart, na hulihin siya. Hak hak hak! Ang dami ng tinakot si Domagoso na aarestuhin o ipasasarang establisimiyento kaya si Kuwatog ay kaagad naglinis at baka abutin siya ng delubyo. Araguuyyy! Kung malungkot si Kuwatog dahil nawalan siya ng negosyo na VK, gan’un din si Sgt. Raffy Padua, dahil tiyak nabawasan ang makukolekta niyang lingguhang payola. Ano sa tingin mo kosang Rey Galupo, na tambay sa opisina ni Ibay?

Kung nalinis man ni Domagoso ang Maynila ng sugal, vendors at mga gusaling sinakop ang bangketa, dapat pagtuunan din niya ng pansin ang problema tungkol sa droga. Isiniwalat kasi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director Aaron Aquino na may pitong pulis sa Maynila na nasa likod nang malawakang drug recycling sa siyudad ni Domagoso.

Ang sistema pala ng 7 “ninja” cops ay binibili ng amo nilang drug queen ang mga nahuling droga at ibinabalik ito sa kalye. Araguuyyy! Ayaw ni President Digong ng ganyan, di ba mga kosa? Kaya dapat ikumpas ni Domagoso ang kamay na bakal niya laban sa drug queen na naka-base sa Sampaloc bago kumalat ang shabu sa Maynila. Hak hak hak! Kayang-kaya ni Ibay na tuldukan si drug queen at ang 7 ninja cops. Tumpak!

Sinabi naman ni NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar na imposibleng aktibong pulis ang tinutukoy ni Aquino dahil ang puwede lang gumawa ng recycling ay mga miyembro ng Drug Enfrocement Unit (DEU). Subalit ang DEU members ay piling-pili ng mga district at station commanders at kapag nasangkot sila sa katiwalian ay sibak pati ang hepe nila.

Ilan na bang station at district director ang nasibak matapos masangkot ang mga bataan nila sa extortion sa droga? At ang mga DEU sa ngayon ay halos araw-araw mino-monitor ng kani-kanilang hepe kaya imposibleng mag-recycle sila ng droga dahil parang isinusugal din nila ang malaking suweldo nila para matustusan ang kani-kanilang pamilya.

Nangako si Eleazar, na kapag nasangkot ang mga DEU o mga pulis sa recycle sa droga, sibak kaagad sila dahil maraming millenials diyan na gustong mag-pulis. Araguuyyy!  Iginiit naman ni Eleazar na tatlong beses na niyang ni-raid si drug queen subalit kasing dulas ito ng palos at ayaw pahuli nang buhay. Si Domagoso kaya, kayang habulin si drug queen? Abangan!

FRANCISCO DOMAGOSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with