^

Punto Mo

Donasyon ng lupa, kailangang nakasulat at notaryado upang magkaroon ng bisa

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Atty.,

Nakatira po kami ngayon sa lupa ng aking tiyuhin na ibinigay na sa akin bago siya namayapa noong isang taon. Bago siya suma­kabilang-buhay ay sinabi niyang sa akin na raw ang lupa dahil matagal na rin naman kaming nakatira roon. Ngayon po ay pinaaalis na ako ng kanyang mga anak na nagsabing sa kanila na ang lupa dahil bahagi raw ito ng kanilang mana. Maari ko bang ilaban ang karapatan ko sa lupa na ibinigay na sa akin ng kanilang ama?

Gerry

Dear Gerry,

Hindi mo nabanggit kung nakasulat ba ang sinasabi mong pagbibigay ng lupa sa iyo ng iyong tiyuhin. Isa kasing donasyon ang ginawa niyang pagbibigay sa iyo ng lupang tinitirhan n’yo ngayon at ayon sa Supreme Court sa kaso ng Abellana vs. Spouses Ponce (G.R. No. 160488, September 3, 2004), kailangang sumunod sa pormalidad sa ilalim ng Article 748 at 749 ng Civil Code ang isang donasyon upang magkabisa ito.

Karaniwang nakapaloob sa isang notaryadong Deed of Donation ang pagbibigay ng lupa, alinsunod sa Article 749 ng Civil Code na nagsasabing kailangang nakasaad sa isang pampublikong dokumento ang ginawang donasyon ng isang immoveable property upang magkaroon ng bisa ito. Ang immoveable property ay isang klasipikasyon ng mga ari-arian sa ilalim ng ating batas na kinabibilangan ng lupa at mga gusali.

Bukod sa ginawang donasyon, kailangan ding nakasulat sa isang pampublikong dokumento ang pagtanggap sa ari-ariang ibinigay. Karaniwan ay nakasaad na sa Deed of Donation ang ginawang pagbibigay ng donor ng ari-arian at ang pagtanggap nito ng donee. Kung nasa hiwalay na dokumento ang pagtanggap ay kailangang nakapaloob din ito sa isang pampublikong dokumento at kailangang tanggapin ang donasyon habang nabubuhay pa ang donor.

Sa iyong sitwasyon, hindi mo nabanggit kung nakapaloob ba sa isang kasulatan ang ginawang donasyon ng iyong tiyuhin sa iyo. Kung hindi ito nakasulat, mahihirapan kang patunayan sa korte ang iyong karapatan sa lupa kung sakali mang magkademandahan kayo dahil katulad ng nabanggit, walang bisa ang donasyon ng isang immoveable property katulad ng lupa kung hindi ito nakapaloob sa isang pampublikong dokumento.

DEED OF DONATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with