Gintong inidoro, ninakaw sa England!
ISANG grupo ng mga magnanakaw ang pinasok ang isang museo sa England at ninakaw ang isang gintong inidoro na nagkakahalaga ng $1.25 million (katumbas ng P62.5 milyon) na naka-display bilang isang interactive art installation.
Ang obra, na may titulong America, ay nilikha ng Italian artist na si Maurizio Cattelan. Hindi lamang pang-display ang America dahil gumagana ito bilang isang inidoro. Dati itong naka-display sa toilet sa Guggenheim na minsan nang ini-offer kay US President Donald Trump.
Upang mapag-usapan ito, inimbitahan ng museo ang mga bisita nila na aktwal na gamitin ang inidoro. Dahil dito, naging maluwag ang seguridad sa gintong art piece.
Wala pang isang araw matapos dumating ang inidoro sa museo, pinasok na kaagad ito ng mga magnanakaw, na puwersahang inalis ang inidoro mula sa puwesto nito na naging sanhi ng pagbaha sa museo.
Isang 66-anyos na lalaki ang inaresto dahil sa pagnanakaw ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin nababawi ang gintong inidoro.
- Latest