^

Punto Mo

Titser

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MAY isang titser sa public elementary na ubod ng suplada. Paborito ng titser na ito ang mga estudyanteng anak ng maykaya o ang mga magulang ay mga propesyunal. Malas lang ang mga estudyanteng mahihirap na napapunta sa kanyang section. Kapag tinotopak ang ulo, walang pakundangan kung hiyain ang mahihirap na estudyanteng nagkamali ng sagot sa recitation. Palibhasa ay mahihirap, sa isipan ng titser na ito, walang magulang na maglalakas ng loob na awayin siya sa ginagawa niyang pang-aapi sa mga bata.

Kapag kulang ang libro, ang mga mahihirap na estudyante ang nagsa-suffer dahil ang bibigyan lang ay ang mga paborito niya. Sasa­bihan na lang ang mga kawawang mahihirap na maki-share na lang. Ang problema’y madadamot ang mga estudyanteng nabigyan ng libro, anong share-share na sinasabi d’yan, manigas kayong mga walang libro. Kaya pagdating ng recitation kinabukasan, nganga!...ang mga mahihirap na hindi nabiyayaan ng libro habang nagpapagalingan sa pagsagot ang mga pinagpalang “favorites” na nakapagbasa ng libro.

Bago magsara ang school year, ugali na ng titser na ito na magbigay ng “forecast” kung ano ang magiging kapalaran ng kanyang mga estudyante. Siyempre ang unang binigyan ng forecast ay ang mga paborito niya—may magiging mahusay na doktor, titser, scientist, piloto, etcetera bola etcetera.

Excited sanang marinig ng grupo ng mahihirap kung ano ang forecast sa kanila ng titser. Kahit man lang sana kaplastikang forecast. Pang-inspirasyon din ‘yun. Kaso tinamad nang magbigay ng forecast. Tinapos ang kanyang speech ng napakaikling “Good luck” na walang kabuhay-buhay. Kahit sa kahuli-hulihang sandali, pinagdamutan pa ang mahihirap niyang estudyante ng mga salitang magsisilbing inspirasyon sana sa kanilang pakikibaka sa buhay.

Sa pagdaan ng maraming taon, hindi man naging mabait ang titser na ito sa mahihirap niyang estudyante, naging mabait naman ang Diyos sa pagkakaloob sa kanila ng magandang kapalaran. Ang majority ng nagtagumpay ay nagmula sa grupo ng mahihirap. May naging propesor sa sikat na unibersidad, nagmamay-ari ng  maraming branches ng punerarya sa isang probinsiya, ilan ang naging manager ng malalaking kompanya, may magagandang trabaho sa abroad at iba pang nakakalulang achievement na hindi na-forecast ng supladang titser.

May nagkatotoong naging doktor doon sa grupo ng mayayaman pero pangkaraniwang doktor lang, hindi naging sikat. Okey, marami rin ang nagtagumpay sa kanila pero hindi sumasambulat na “success” kagaya ng sa grupo ng mahihirap. Hindi ako nagtaka nang mabalitaan ko na buhay pa ang titser na ‘yun. Bad weed never dies.

“There is plenty to be learned even from a bad teacher: what not to do, how not to be” – J.K. Rowling

TITSER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with