ISANG 200-pound na reticulated python sa isang zoo sa Florida na may habang higit 20 talampakan ang maaring lumaki pa at maging pinakamalaki sa buong mundo, ayon sa mga opisyal ng zoo.
Pinangalanang “Ginormica,” ang 6-year-old na sawa ay matatagpuan sa Emerald Coast Zoo, kung saan pinakakain ito ng karne ng kambing at baboy ayon sa may-ari ng zoo na si Rick de Ridder.
Maaring si Ginormica na raw ang pinakamahabang sawa sa Florida ayon kay De Ridder. May posibilidad din daw na umabot ito sa edad na 75 years old.
Ayon sa Guinnes World Records website, hawak ng isang 25-talampakan at 2 pulgadang reticulated python na binansagang Medusa ang world record para sa pinakamahabang sawa na nasa pangangalaga ng tao.
Nakatakdang itampok ng zoo si Ginormica sa idaraos na selebrasyon para sa National Snake Day.