Kapag may kasalo ka sa pagkain, tumataas ng 35 percent ang gana mo sa pagkain kumpara kung wala kang kasalo.
Mas maligaya ang isang tao, mas kakaunti ang oras ng kanyang naitutulog samantalang mas malungkot, mas mahaba ang oras na ginugugol sa pagtulog.
Mga 82 percent ng middle school at high school sa South Korea ay ipinagbabawal sa mga estudyante ang pakikipagrelasyon dahil nakakasira raw ito ng konsentrasyon sa pag-aaral.
Ang pagtulog nang nakadapa ay nagreresulta ng mas weird at nakakatakot na panaginip.
Ang pinakamalungkot na tao ang madalas magandang makisama.
Ang mga anak na lumaki sa ‘controlling parents’ ay nakabase lagi ang desisyon sa kung ano ang gusto ng kanilang magulang at hindi base sa sariling desisyon.
Ang mga taong nagmamahal at nakakadama na sila ay minamahal ang nagkakaroon ng mahabang buhay, mas maganda ang kalusugan at kumikita ng mas mala-king salapi.
Ang mga taong mas mahabang oras ang iniuukol sa pag-i-internet ay nagiging depressed, malulungkutin at mentally unstable.
Apat na bagay ang laging minimithi ng ating utak: pagkain, sex, tubig at tulog.
Ang tao ay mabilis humusga ng pagkakamali ng ibang tao pero nahihirapang i-point out ang sariling kamalian.