Karera ng mga sanggol, idinaos sa Lithuania

DALAWAMPU’T LIMANG sanggol sa Lithuania ang lumahok sa isang taunang karera roon at nag-unahan sa paggapang sa red carpet habang nakapaligid ang kanilang mga magulang at kamag-anak.

Ito na ang ika-20 taon ng pagdaraos ng karera ng mga sanggol, na inoorganisa taun-taon ng lokal na istasyon ng radyo sa Vilnius, Lithuania para gunitain ang International Children’s Day noong Hunyo 1.

Upang maengganyong gumapang ng mas mabilis ay inakit ng mga magulang ang kanilang kalahok na 7 hanggang 11 buwan na mga sanggol ng iba’t ibang mga laruan.

Sa huli, ang 11 buwang baby boy na si Ignas ang tinanghal na panalo matapos siya ang unang makatawid sa finish line.

Show comments