Panukala ni Rep. Trenas sa PWDs sana maaprubahan na

IPINAGDARASAL ni outgoing Iloilo City Rep. Jerry Trenas, na sana ay maaprubahan ang kanyang panukalang batas na naglalayong bigyan ng karagdagang mga pribelehiyo ang mga taong may kapansanan para maisabatas kahit pitong araw na lamang ang natitira bago matapos ang ika-7th.

 Iiwanan na ni Trenas ang Kongreso dahil nanalo itong alkalde sa Iloilo City.

Ibinida ni Trenas, na may oras pa sa Kongreso para maaprubahan ang iniakda nitong House Bill 9106, na approved sa 2nd reading last Tuesday.

 Sabi ni Trenas, mayroon pa silang oras upang aprubahan ang panukalang ito at ipasa ito bilang batas. Dapat natin bunuin sa sesyon ang panukalang ito upang maging mas madali at mas mahusay ang buhay ng mga PWDs.

 Hindi halos nakatulog si Trenas sa pagtatanggol sa kanyang panukala para maging batas dahil halos hirap silang magkaroon ng korum dahil sa panahon ng kampanya.

 Sinabi ni Trenas, ang House Bill 9106 ay susugan ang mga probisyon ng Republic Act 7277 o ang Magna Carta for Persons with Disabilities, upang isama ang mga karagdagang mga pribilehiyo para sa mga PWDs gaya ng mandatory employment sa mga opisina ng pamahalaan, mga korporasyon ng gobierno at maging sa pribadong sektor.

 Sa ilalim ng panukalang batas, ang lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan, opisina o korporasyon ng gobyerno ay inuutusan tanggapin sa trabaho ng hindi bababa sa dalawang porsiyento ng lahat ng mga posisyon para sa kwalipikadong PWDs.

 Sa pribadong mga korporasyon na may higit sa 1,000 mga empleyado ay kinakailangan din upang mag-ukol ng hindi bababa sa dalawang porsiyento ng lahat ng mga posisyon para sa mga PWDs at isang porsyento para sa mga may mas mababa ng 1,000 empleyado.

 Sa mga pribadong korporasyon at mga entity na nagbigay trabaho sa mga PWDs na matugunan ang mga kinakailangang mga kasanayan o mga kwalipikasyon bilang apprentice o learners «ay may karapatan para sa pagbawas, mula sa kanilang gross income, katumbas ng 25 porsiyento ng kabuuang halaga na binayaran ng sweldo at sahod sa mga PWDs  

Sa kabilang banda, ang mga private entity na nagpapatupad sa mga PWDs bilang regular na empleyado ay may karapatan sa isang karagdagang pagbawas mula sa kanilang gross income, katumbas ng 50% ng kabuuang halaga na binayarang suweldo at sahod para sa mga PWDs.

 Batas din ang nag-uutos sa pagkakaloob ng libreng pantulong na serbisyo na teknolohiya kabilang ang pagdidisenyo, pag-customize, pagpapanatili, pagkumpuni o pagpapalit ng mga pantulong na technology devices upang mapahusay ang functional na kapasidad ng mga PWDs.

“Sa sandaling maaprubahan, ang pamahalaan ay nagbibigay din ng libreng wheelchairs, walkers, canes at iba pang mga pantulong para sa mga PWDs,» sabi ni Trenas.

 Ipinapagamit din ang ipinanukalang batas bilang karagdagang mga pribilehiyo para sa mga PWDs tulad ng mga sumusunod...

Monthly stipend amounting sa P500 para sa marginalized PWDs upang dagdagan ang kanilang pang araw-araw na gastos at iba pang mga pangangailangan.

 Exemption mula sa passport processing fees, pati na rin ang mga buwis sa paglalakbay, terminal fees, iba pang mga bayarin at mga pagsingil na ipapataw sa mga airport, port, o iba pang mga terminal sa pamamagitan ng mga pamahalaan, anumang sa mga ahensya o sangay, o sa pamamagitan ng o kontrolado ng pamahalaan na mga korporasyon.

Habambuhay na bisa ng PWD Identification cards.

 Ang DSWD, ay inuutusan para masubaybayan ang pagsunod sa mga probisyon ng panukalang batas at matiyak ang mga prebilehiyo na hindi inaabuso ng kanyang mga benepisyaryo.

Hindi ba maganda ang panukala ni Trenas ?

Sana ay maaprubahan ito agad !

Abangan.

Show comments