Marc Red Marinas sa Muntinlupa City
NANGUNGUNA pa rin si Marc Red Marinas, na tumatakbong alkalde sa Muntinlupa City laban kay Mayor Fresnedi.
Tuluy-tuloy ang pagtaas ng ratings ni Marinas at hindi na ito mapipigilan para mapalitan sa trono si Fresnedi.
Sa mga survey na isinagawa kamakailan sa Muntinlupa City nilamangan ni Fresnedi si Marinas sa unang dalawang buwan kaya nang pumasok ang huling linggo ng Abril at unang linggo ng Mayo ay unti-unti ng umaangat ang huli na ikinatuwa ng mga constituents sa nasabing lugar.
Sa huling pagtasa ng mga botante kay Marinas apat na araw bago ang botohan sa Lunes makikita ang mataas na ratings nito sa halos lahat ng barangay , socio-economic, class kasarian at iba’t-ibang edad.
Sabi nga, mapabata o matanda si Marinas pa rin ang itinutulak sa Muntinlupa City para pumalit kay Fresnedi.
Hindi nakakapagtaka kung dinominahin ni Marinas ang mayoral race sa May 13 election.
Ikinatuwa ni Marinas ang patuloy na pangunguna niya dahil patunay lamang na nararamdaman ng mga madlang people sa Muntinlupa City ang kanyang mga ipatutupad na mga programa oras na ito ang tanghaling kampeon este mali alkalde pala.
Ngayon pa lang ay gusto ko nang pasalamatan ang madlang people of Muntinlupa City na nagpahayag ng kanilang tiwala, suporta at pagpapahalaga sa ating mga ipinangakong gagawin dito. Ito aniya ay nagbigay ng lakas at inspiration para magawa ko ang aking pangarap na lalong paunlarin ang Muntinlupa City.’ sabi ni Marinas.
Ano pa ang inaantay ninyo sa Lunes?
Labas na para bumoto!
Abangan.
• • • • • •
Bikoy laglag sa Integrated Bar of the Philippines my Philippines
Inisnab daw ng IBP ang kagustuhan ni alyas Peter Joemel Advincula, a.k.a Bikoy na free legal assistance.
Naku ha!
Patay.
Dahil sa mahabang discussion at deliberation napagtanto ng IBP-National Center for Legal Aid na sa kangkungan ilagay ang kagustuhan ni alyas Bikoy na free legal assistance sana.
Ang problema ay hindi ito qualified sa kanyang kahilingang kumanta este mali free legal assistance pala. base sa NCLA Manual of Operations.
Naku ha!
Ano ba ito?
Sabi nga, goodbye!
- Latest