Utol (199)

“GUSTUNG-GUSTO na nina Papa at Mama na makasal tayo, Gerald. Imagine, ngayon ka lang nila nakita pero gusto na agad tayong makasal. Pang-Guiness ang story natin, Gerald, he-he-he!’’

“Kasi ikaw na lang sa mga anak nila ang walang asawa. Gusto na nilang magkaapo sa’yo.’’

“Palagay ko nga.’’

“Kaya kailangan na ta­yong magpakasal sa lalong madaling panahon para makagawa na agad tayo ng baby.’’

Kinurot ni Gina sa braso si Gerald.

“Saan mo ba gustong makasal tayo, Gina?’’

“Siyempre dito sa simbahan ng San Pablo. Lalakarin lang dito ang simbahan. Hindi na ako masyadong papawisan, ha-ha-ha!’’

“Okey sige. E ang reception saan mo gusto?’’
“Gusto ko dito na lang sa bahay. Malawak naman ang bakuran nito. Pati sa likuran. Basta maayusan lang ito, mas maganda pa ito kaysa kasalan sa five star hotel. Hindi na rin mahihirapan ang guest natin dahil mula sa simbahan lalakarin lang ang patungong reception. Isa pa, gusto kong ma-feel nina Papa at Mama na talagang masayang-masaya ang kasal ko. Kasi yung mga kapatid ko, pawang sa mga hotel ang reception. Gusto ko maging kakaiba.’’

“Okey sa akin, Gina. Yung sikat na chef ang i-hire natin o merong kang naniisip na iba.’’

“Sige, Gerald pero magpaluto rin tayo na ang style ay pang-probinsiya. Para bang handaan sa nayon. Di ba okey yun?’’

“Okey sa akin. Sige, walang problema. Ano pang naiisip mong kakaiba Gina.’’

“Wala na. Palagay ko masisiyahan ang guest natin. Pero kukuha tayo ng wedding coordinator para lalong maayos ang kasal natin.’’

“Oo. Tama ang suggestion mo.’’

“Excited na ako, Gerald.’’

“Ganundin ako, Gina.’’

“Parang ayaw ko nang magkahiwalay tayo, Gerald.’’

“Gusto mo ‘di na ako uuwi sa amin at dito na lang?’’

“Kung puwede nga lang.’’

“O ikaw na lang ang sumama sa akin?’’

Kinurot uli ni Gina si Gerald.

(Itutuloy)

Show comments