Utol (195)

“DAHIL daw sa sobrang kahihiyan kaya nag-suicide. Natagpuan daw sa kuwarto nito na bumubula ang bibig. Isang dating kasamahan din namin sa boarding house ang nagbalita sa akin. Itinakwil pala siya ng pamilya mula nang malaman ang nakakahiyang relasyon nila ng pinsan nito,” pagkukuwento ni Gina kay Gerald habang naglalakad sila sa lansonesan.

“Wala na akong interes pa sa mga nangyari kay Teth, Gina.’’

“Dati mo kasi siyang nobya kaya akala ko gusto mo ring makabalita ukol sa kanya.’’

“Hindi na Gina. Wala na talaga. Noon pa, wala na akong interes pa.’’

“Talaga Gerald?’’

“Oo. Iba na nga ang pi­nagkakaabalahan ng isipan ko ngayon. Mayroon nang mas mahalaga sa akin at iyon ay walang iba kundi ikaw, Gina.’’

“Totoo ba ang sinasabi mo Gerald?’’

“Oo. Ikaw na ang bagong iniisip ko. Kaya nga kami nagtungo rito ay para makita ka at malaman ang kalagayan mo. Wala nang iba pang dahilan, Gina.’’

Hindi makapagsalita si Gina.

Masyado siyang nabigla sa mga sinabi ni Gerald. Hindi niya akalain na ang lalaking pinagmalasakitan ay mayroon palang espes­yal na pagtingin sa kanya.

Paano ba siya makakatanggi e eto na nga at hayagan na ang pagsasabi ni Gerald.

“Nabibilisan ako Ge-rald. Mabilis ka palang manligaw. Akala ko, wala kang imik. Yun pala e superbilis kang dumiga. Hindi ako makaporma sa bilis mo Gerald.’’

“Alam mo ang dapat gawin?’’

“Ano, Gerald?’’

“Sagutin mo rin ako nang mabilis. ‘Yung walang alisan sa puwesto. Kaya mo, Gina?’’

Napahalakhak si Gina.

“Ano Gina?’’

“Pinupuwersa mo naman ako Gerald.’’

“Sagutin mo na agad ako para wala kang problema.’’

“Sige na nga! Oo na!”

(Itutuloy)

Show comments