GUSTO kong klaruhin ang ilang bagay hinggil sa kakaibang kasong inilapit sa BITAG-Kilos Pronto nung nagdaang Lunes.
Hindi nakakatuwa at hindi ko ikinararangal na lapitan ng mga batang kriminal para sukuan. Mga taong inapi, inabuso at niloko.
Hindi ako tagaprotekta ng mga lumalabag sa batas kabilang na ang mga nananakit at nanloloko ng kapwa. ‘Yung pumatay pa kaya ng 5-taong gulang na bata? Wala sa amin ng mga kapatid ko ang gumagawa nito.
Can you imagine kung paano ko kinontrol ang sarili ko habang kaharap ‘yung 16-anyos na suspek? Gusto kong sapakin, batukan pero dahil menor de edad, alam kong ako ang babalikan ng Commission on Human Rights (CHR).
Isa pa, protektado ang isang batang kriminal ng gunggong, pulpol at estupidong batas ni Kiko. O ‘di kung nagkataong nakanti ko lang kahit dulo ng daliri nung suspek eh na-R.A. 7610 pa ko.
Para bagang ang nasa isip nitong mga batang kriminal na ito at ng kanilang mga magulang, ‘di bale ng makapatay o manggahasa. May Tulfo namang tutulong na sumuko at puprotekta, hell no!
Eto lang naman ang mensahe ko sa mga magulang ng mga batang gumawa ng krimen na nagbabalak na pumunta ng BITAG upang magpatulong na sumuko… ‘wag n’yo nang ituloy, matatadyakan ko kayo palabas ng opisina ko.
Doon kayo kay Sen. Kiko Pangilinan o sa CHR sumuko para protektahan kayo, iligtas kayo sa mga katarantaduhan n’yo. Tulungan ko na lang kayong hanapin ang bahay o opisina nila para sila ang istorbohin niyo ‘wag na ako!
Marami pang mga taong nagpupunta sa aming action center ang mas nangangailangan ng oras ko kesa sa inyo. Linawin na natin ‘to ngayon pa lang. Doon sa abogadong nagsabi na sasampahan kami ng kasong obstruction of justice... go ahead, that’s gross ignorance of the law. Just go back to your law school!
Ni hindi umabot ng isang araw sa action center namin ‘yung suspek, nai-turn over na agad sa awtoridad.
Nagturuan pa nga ang Department of Social Welfare and Development main at Naic, Cavite Office kung sino ang kukupkop sa suspek noong gabing ‘yun. Dahil pareho nila kaming tinanggihan kaya inilapit na namin sa NBI.
Panoorin ang buong detalye sa YouTube page namin, @BitagOfficial.