SANGKATERBA ang nangulit sa atin last week up today tungkol sa Civil Service examination na gagawin ngayong araw.
Sabi nga, computer examination!
Ang siste hindi makapasok ang mga gustong kumuha ng examination sa website ng CSC dahil napakahirap buksan ang kanilang ‘website’ at kapag nakalusot ka naman ay makakapag-load up to page 2 pero kapag natapos ay hindi na maglo-load.
Ano ba ito? Take note, Boss Digong!
Ayon sa sumbong oras na i-try ulit na mag-load ang mga pobreng alindahaw ay hindi na sila makapasok.
Ang masama pa kapag tumawag sa telepono nila halos lahat ng number ay busy at ang pinakamasama kapag nakalusot ang nag-ring ang telepono nila wala naman sumasagot!
Ano ba ito?
Ganito ba talaga ang gobierno ngayon?
Sabi nga, hindi na naawa sa madlang Pinoy?
Anong impormasyon kaya ang ibibigay ng CSC sa madlang peopla na hindi makapasok para kumuha ng eksaminasyon dahil ngayon ang araw ng Civil Service examination?
Ano nga ba?
Paano ba
Abangan.
• • • • • •
Death penalty, bow, wow, wow!
Dapat ibalik ang parusang kamatayan sa mga gumagawa ng mga karumal-dumal na mga krimen tulad ng mga rapist ng mga bata, dalaga, may asawa at mga lola.
Sabi nga, matapos magparaos ang mga kamote pinapatay pa nila ang kanilang mga biniktima !
Ito dapat ang hinahatulan ng korte na mamatay kapag naibalik ang parusang kamatayan sa mga ulol.
Bukod dito, kailangan din matigok ang mga nahuhulihan ng mga malalaking gramo ng droga.
Sabi nga, mapa-pinoy o banyaga dapat death penalty sila !
Kaparis ng nangyari sa Antipolo City last week nagpasarap ang tiyuhin ng biktima sa ginawang panggagahasa at pagkatapos ng makaraos ay pinatay ang pobreng dalagita sa pamamatan ng pagpukpok ng matigas na bagay sa ulo nito, tinapyasan pa at inihulog pa sa talahiban ng nasabing lugar.
Sabi sa autopsy report lumalabas na may pilas ang kepyas nito na ginahasa muna bago pinatay ng suspect na buwang na tiyuhin.
Sabi nga, sii Jimmy Castillo, tricycle driver, ang umano’y tumira at pumatay sa pamangkin nitong si Rona May Castillo, 16, Grade 10 student, at residente ng Old Boso-boso, Barangay San Jose, Antipolo City.
Naku ha !
Sa ginawang masusing imbestigasyon ng pulisya mukhang si kamoteng Jimmy ang maiipit dahil lahat ng evidence at testimony na kanilang nakuha ito ang itinuturo.
Sabi nga, pangunahin suspect ang gago.
Si Rona ay dating nakatirik sa bahay ng gago niyang tiyuhin dahil nga malapit lamang dito ang pinapasukan eskuelahan ng biktima.
May one month pa lamang si Rona sa haybol ng gagong si Jimmy pero ng umuwi ang biktima sa bahay nila ay napansin ang mga kakaibang ikinikilos nito.
Sabi nga, malungkutin na !
Ayon sa impormasyon, nang magdesisyon ang biktima na kunin ang mga kagamitan niya sa haybol ni gagong Jimmy dito na daw nagdesisyon ang buhong na gahasain at patayin ang kawawang pamangkin.
Siguro ang korte na lamang ang maaring magdesisyon sa kapalaran ng buhong pero kapag naibalik ang parusang kamatayan sana makasama na sa line-up ang rapist na pinaguusapan natin.
Abangan.