Mga dorobong developer, ibalik n’yo ang pera ng mga kawawang kliyente!
DUMARAMI ang mga dorobong developer na kumukubra ng pera ng kliyente pero ang ipinangakong serbisyo, drawing lang.
Karamihan pa sa kanila, gumagamit ng mga abogadong kung hindi mo man masabing pulpol eh dorobo na rin. Pina-ngangatawanan ang paggamit sa mga bata na kahit sila ay hindi kayang ipaliwanag.
Ang Maceda Law, popular na ginagamit ng mga tiwaling Real Estate Developers para matagumpay na isagawa ang kanilang modus. Katulad ng kompanyang Duraville, sa halagang P130,000 ay inilantad ang uri ng serbisyong binibigay sa kanilang mga kliyente.
Humingi ng tulong sa BITAG Kilos Pronto ang isang ginang na nagsusumamong maibalik ang kanyang pera. Nagbigay siya ng down payment na P130,000 sa Duraville, isang land developer, para sa bahay na kanyang binili.
Ang developer, napako na ang pangakong pag-turnover ng bahay sa kanilang kliyente. Ngayong sumuko na sa paghihintay ang ginang, umiral ang kakapalan ng mukha ng deve-loper at ayaw ibigay ang refund ng pobre!
Sinadya ng BITAG-KP team ang opisina ng Duraville Realty and Development Corporation upang hingin ang kanilang panig. Humarap sa amin ang nagpakilalang kinatawan at abogado ng Duraville pero tila naduduwag at pinipigilang ma-record ng aming grupo ang komprontasyon.
Sagot ng abogado ng Duraville, sa ilalim daw ng Maceda Law, hindi qualified sa refund ang nagrereklamo. Halagang P35,000 lamang daw ang puwede nilang ibalik at hindi ang P130,000 na ibinayad para sa down payment.
Pinagpaliwanag ko ang nagmamagaling na abogado kung ano ang pagkakaintindi niya sa Maceda Law at kung bakit pinagduduldulan sa kaso ng nagrereklamo.
Nabahag ang buntot ng abogago, este, abogado. Si Attorney, biglang napipi’t ayaw akong kausapin.
Neknek n’yo, Duraville. Alam n’yo ba mga pinagsasabi niyo? Ina-apply ‘yang Maceda Law kung naibigay na ng developer ang bahay at pumalya sa pagbabayad ang kliyente.
‘Yang abogado n’yo na ‘di ko na papatulan dahil may gatas pa sa labi, bobo! Sa kaso n’yo, hindi puwedeng i-apply ‘yang batas na ‘yan. Hindi n’yo pa naibibigay ang bahay sa kliyente.
At fault kayo bilang developer. Maliwanag pa sa sikat ng araw na kayo ang may pagkakamali. Ibalik sa pobre ang kinulimbat n’yong pera, kundi malilintikan kayo. Sisiguraduhin naming mahuhulog kayo sa BITAG!
- Latest