^

Punto Mo

Lalaki, nakaligtas nang sakalin ang leon na sumalakay sa kanya

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI akalain ng isang lalaki sa Colorado na sa kanyang pagja-jogging ay makakasagupa niya ang isang mountain lion at makakaligtas siya sa pamamagitan ng pagsakal dito.

Mag-isang tinatakbo ng hindi na kinilalang lalaki ang running trail sa Colorado noong nakaraang Lunes nang may narinig siyang ungol sa lugar.

Dahil nangamba siya sa ungol, naisipan ng lalaking umatras at bumalik na lang sa bahay. Ngunit huli na dahil bigla siyang dinamba ng leon.

Ayon sa wildlife officials, sinakmal ng leon ang mukha ng lalaki. Pero malakas ang loob ng lalaki. lumaban siya at buong higpit na sinakal ang mabangis na hayop hanggang mamatay.

Isinugod sa ospital ang lalaki at nakaligtas sa kamatayan. Nagpapagaling na siya sa mga sugat na tinamo sa mukha. Sa ngayon ay hindi pa siya nagbibigay ng pahayag sa nangyari.

Ayon sa mga eksperto, tama ang ginawa ng lalaki na paglaban nang walang puknat sa leon. Ito raw lamang umano ang tanging paraan para makaligtas sa pagsalakay ng mountain lion.

Ayon naman sa wild officials, maaring nagambala ang leon sa ingay ng pagtakbo ng lalaki kaya sinalakay ito.

LEON

WILDLIFE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with