^

Punto Mo

Daan-daang ‘Marilyn Monroe,’ nagtipon sa Australia

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DAAN-DAANG Marilyn Monroe impersonators ang nagtala ng bagong world record sa Adelaide, Australia upang makalikom ng donasyon para sa cancer research.

Ayon sa mga nag-organisa ng pagtitipon, nasa 270 katao, kabilang pati ang mga lalaki, ang pumorma ng katulad sa Hollywood icon. Sapat ang naging bilang nila kaya nagpasya ang Guinness World Records na gumawa ng bagong world record category para sa pinakamadaming tao na naka-costume na Marilyn Monroe sa iisang lokasyon.

Ang lahat nang dumalo ay nagsuot ng sikat na puting damit ni Monroe, kasabay ng kanyang wig, makeup at ng kanyang katangi-tanging nunal.

Sa dami ng dumalo para sa world record attempt ay kinailangan nang tanggihan ng mga organizer ang ibang gusto pang lumahok matapos silang maubusan ng wig na ipasusuot sa mga tao.

Hindi lamang pagtatala ng world record ang layunin ng pagtitipon dahil pakay rin ng mga organisers na maka­likom ng donasyon para sa Cancer Council ng South Australia, na nagsa­sagawa ng pag-aaral sa mga maaring lunas sa cancer.

Nasa $65,000 na ang nalilikom ng organisers at inaasahang maaabot nila ang $100,000 nilang target.

vuukle comment

MARILYN MONROE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with