Bakit natalo si Napoleon Bonaparte?

SI Napoleon Bonaparte ay naging heneral ng French army noong 1796. Napakagaling niyang pinuno at bawat giyera na kanyang pinamunuan ay lagi niyang naipapanalo. Ito ang naging dahilan kung bakit kinilala siyang “Greatest Military Commander of all time”. Lahat ng kanyang pakikipaglaban bago sumapit ang 1815 ay laging panalo. Kahit isang beses ay hindi nakakatikim ng pagkatalo ang French army na kanyang pinamumunuan.

Noong 1815, ang tropa ni Napolen Bonaparte ay natalo sa Battle of Waterloo. Bakit nabigo si Napoleon sa kauna-unahang pagkakataon? Bago mangyari ang Battle of Waterloo ay madalas nang mag-constipate si Napoleon. Ang paghihirap sa pagdumi ay lumala at naging hemorrhoids.

Ang sekreto ng tagumpay ni Napoleon sa pakikipaggi­yera ay ito: Bago sumapit ang giyera, sina-survey ni Napoleon ang battlefield o lugar kung saan idaraos ang labanan. Pinag-aaralan niya ang lugar at nililibot ito habang nakasakay siya sa kanyang kabayo. Kung pamilyar ka nga naman sa isang lugar, nagkakaroon ng magandang strategy ang pinuno kung paano niya pagagalawin ang kanyang batalyon.

Ngunit nang mga panahong malapit na ang Battle of Waterloo, inatake ng hemorrhoids si Napoleon. Hindi siya makapag-survey sa Waterloo (Belgium na ngayon) bago ang iskedyul na labanan. Hindi niya makayang sumakay sa kabayo dahil nanga­ngati at namamaga ang kanyang puwet. Hindi ba’t masakit umupo sa silya kapag umaatake ang hemorroids, paano pa kung uupo ka sa nakabukol na likod ng kabayo? Sumabak sila sa Battle of Waterloo nang hindi napag-aralan ni Napoleon ang lugar. At iyon nga, natalo sila. Pagkatapos ng pagkatalo, ikinulong si Napoleon sa Saint Helena, isang British island, at doon na namatay.

Show comments