^

Punto Mo

EDITORYAL - Kailan ibabalik ang basurang Canada?

Pang-masa
EDITORYAL - Kailan ibabalik ang basurang Canada?

MABILIS magdesisyon ang South Korea sa isyu ng kanilang basura. Ibabalik na ang mga ito sa kanilang bansa sa Miyerkules (Enero 9). Dumating ang mga basura sa bansa noong Hulyo 21, 2018 na ang consignee ay ang Verde Soco Philippines na matatagpuan sa Misamis Oriental. Noong Nobyembre 2018, may naharang pang mga basura ang Bureau of Customs sa Mindanao International Container Terminal (MICT) at nagmula rin sa South Korea. Umaabot sa 51 container van ang mga basura.

Sabi ng South Korea, ibabalik na sa kanilang bansa ang mga basura makaraang makipagkasundo sa Bureau of Customs ng Pilipinas. Hindi pa lumulutang ang may-ari ng kompanya na umangkat ng basura kaya walang malinaw na dahilan kung saan gagamitin ang mga ito. Dapat kasuhan ang may-ari o consignee para matauhan.

Kailangan pa bang mag-angkat ng basura gayung napakaraming basura sa bansa. Pumasyal lamang sa breakwater ng Manila Bay ay maraming basura nang makukuha. Marami ring basura sa Luneta na kagagawan ng mga walang disiplinang mamamayan na namasyal doon noong bisperas ng Pasko at Bagong Taon.

Kung ang South Korea ay mabilis magpasya sa kanilang basura, kabaliktaran naman ng Canada na hanggang ngayon, nasa bansa pa ang kanilang basura at banta sa kalusugan ng mamamayan. Hazardous ang mga basura na pawang hospital wastes.

Nangako si Canadian Prime Minister Justin Trudeau noong nakaraang taon na ibabalik sa bansa ang mga basura pero hanggang ngayon, wala  pa siyang aksiyon. Dumating sa bansa ang Canadian trash noong 2013 at 2014. Dalawampu sa contai-ners ng basura ay itinapon sa Tarlac noong Mayo 2015 samantalang ang karamihan ay nananatili at nabubulok na sa Port of Manila at Subic.

Nararapat maparusahan ang mga umaangkat ng basura para hindi na pamarisan. Kung hindi mapaparusahan, magpapatuloy sila sa pag-angkat ng basura at nanganganib ang kalusugan ng mga Pinoy.

MICT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with