^

Punto Mo

Babaing nagka-amnesia,nakapiling muli ang pamilya noong new year’s eve matapos ang 15 taon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

AAKALAING kuwento sa telenovela ang nangyari sa isang babae sa China na nagkaroon ng amnesia matapos mabagok ang ulo habang tumatakas sa isang sunog 15 taon na ang nakararaan.

Dahil lubusang nawala ang lahat ng kanyang alaala ay walang nagawa si Wei Xiuli kundi magsimula ng bagong buhay.

Nito lamang nakaraang bisperas ng Bagong Taon niya muling nakapiling ang kanyang pamilya simula noong naaksidente siya noong 2003.

Nagawa niyang mahanap muli ang kanyang pamilya dahil sa litrato ng isang lalaki at tatlong bata at sa pamamagitan din ng isang ID na nagsasaad ng kanyang pangalan, taon ng kapanganakan, at dating address.

Pinuntahan ni Wei noong December 26 ang address sa ID ngunit wala naman siyang nahanap doon na kapangalan niya. Mabuti na lamang at tinulungan siya ng mga pulis, na dinala siya sa isang matanda sa lugar na namukhaan ang isa sa mga batang lalaki na nasa litrato.

Tinawagan ng mga kinauukulan ang lalaki at kinumpirma nga nito na may kapatid nga siyang babae na naglaho mara-ming taon na ang nakakaraan.

Hindi naman magkamayaw sa pag-iyak ang ama ni Wei nang mabuo muli ang kanilang pamilya.

Gulat naman si Wei nang malaman niyang kasal na pala siya nang siya ay magka-amnesia noong 2003 lalo na dahil simula noong mawala ang kanyang alaala ay nakapag-asawa na siya ng iba.

Mayroon din pala siyang anak, na ngayo’y nasa kolehiyo na. Nakausap niya ito sa telepono at nangako na magkikita sila sa lalong madaling panahon.

Wala namang impormasyon ukol sa unang asawa ni Wei at hindi pa alam kung ano ang mangyayari kung sakaling magpa-kita itong muli.

 

AMNESIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with