10 habits na sagabal sa kaligayahan
Walang pagmamahal sa sarili. Ang galit sa sarili ay parang pag-inom ng lason araw-araw. Unti-unti nitong pinapatay ang isipan, katawan at kaluluwa. Mahalin ang sarili sa isip, sa wika at sa gawa.
Mahilig magreklamo. Kung nakapokus ka sa negatibo, mas lalo mo lang pinalalaki ang problema, kaya lumilikha ito ng mas marami pang problema. Ugaliing magpasalamat araw-araw.
Mahilig manisi ng ibang tao. Pag-aralan ang ugaling pag-ako sa lahat ng pagkakamaling nagawa.
Laging nagmamaganda dahil iniisip ang sasabihin ng ibang tao laban sa kanya. Just be yourself.
Laging ipinagpapabukas ang puwede namang gawin ngayon. Gawin kaagad, basta’t kaya itong tapusin sa loob ng 20 minutes.
Magaling lang sa daydreaming pero hindi inaaksiyunan ang pinapa-ngarap.
Nabubuhay sa nakaraan at ayaw magpatawad.
Trying hard na maging perpekto.
Laging pera lang ang dahilan kung bakit niya ginagawa ang isang bagay.
Mahilig magkimkim ng saloobin. Positibo man o negatibo, isiwalat mo ito kung kinakailangan.
Happiness doesn’t depend on any external conditions, it is governed by our mental attitude. -- Dale Carnegie
- Latest